Sumawsaw at pinatutsadahan ni Ogie Diaz si Izzy Trazona kaugnay sa sinabi nito sa anak na drag queen na si Sofia o Andrei Trazona.

“Nung una, tanggap mong bakla ang anak mo.  Ipinagmamalaki mo ngang dalaga na ang anak mo, eh. Tapos ngayon, me nagpa-realize lang sa 'yo na parang kasalanan ang maging bakla, wini-wish mo na sana ay magising sa katotohanan ang anak mo?” saad ni Ogie sa kaniyang Facebook post nitong Miyerkules, Setyembre 13.

Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Pinatutsadahan nito ang dating Sexbomb at sinabing mas kasalanan daw sa Diyos ang kaipokritahan nito.

“I think, mas kasalanan sa Diyos 'yang kaipokritahan mo. Tinanggap mo nung una, tapos ngayon, babawiin mo? Laban-laban, bawi-bawi? Mas hahangaan pa kita kung sa una pa lang, consistent ka nang ayaw mong maging bakla anak mo. Pinanindigan mo,” patutsada ni Ogie.

“So masisisi ba natin yung bata kung magsabi siya na hindi na healthy kung magsasama pa kayong mag-ina?” dagdag pa niya.

Sinabi pa ng talent manager na kahit maging pusa at sirena pa raw ang anak nito dapat daw ay tanggapin niya ito.

“Juice ko, kahit maging pusa o sirena pa yang anak mo someday, anak mo yan, tanggapin mo. May purpose ang existence niya sa mundo, hayaan mong hanapin niya. At tanggapin mo ang anak mo kung hindi naman nanghahamak o nang-aapi ng kapwa,” aniya.

“So long as hindi naman siya gumagawa ng illegal, hindi sakit ng lipunan habang happy naman siya sa kanyang mga ginagawa eh payagan mo na.

“Anong gusto mo?  Tunay na barako, pero addict? Maging barakong ama someday yang anak mo, pero iresponsable at anak lang nang anak? Maging barakong pulitiko yung anak mo, pero corrupt?” patutsada pa ng talent manager.

“Juice ko, yung pangalan mo nga, baklang-bakla -- me narinig ka ba sa amin?”

Matatandaang kamakailan ay naglabas ng mahabang mensahe si Izzy matapos lumabas ang balitang sinusuportahan niya ang pagiging drag queen ng anak na si Andrei.

Maki-Balita: Sexbomb Izzy Trazona, hindi tanggap ang pagiging drag queen ng anak?

Sumunod nito ay naglabas din ng pahayag si Andrei at sinabing nagsinungaling siya sa sinabi niyang suportado siya ng kaniyang inang si Izzy Trazona sa pagiging drag queen.

Maki-Balita: Drag queen Sofia kay Sexbomb Izzy: ‘I love you so much mom but this isn’t healthy for me anymore’

https://balita.net.ph/2023/09/13/drag-queen-sofia-kay-sexbomb-izzy-i-love-you-so-much-mom-but-this-isnt-healthy-for-me-anymore/