Nat'l digital ID, ipamamahagi na sa Disyembre
Target ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na ipamahagi ang National digital identification (ID) sa Disyembre 2023.
Sa press conference sa Malacañang nitong Miyerkules, idinahilan ni DICT Secretary Ivan Uy ang kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na madaliin ang pagpapalabas ng nasabing ID dahil sa ilang beses na pagkaantala nito.
Sa isang pagpupulong nitong Martes, nakausap ni Uy si Marcos kung saan ini-report nito ang sitwasyon sa pagpapatupad ng digital Philippine ID at sa iba pang direktiba ng Pangulo.
Matatandaang inatasan ni Marcos si Uy na planuhin ang pagpapalabas ng national digital ID habang hinihintay ang
“So habang they’re taking their time to do the physical printed ID ay we will also deploy our digital ID dahil mas mabilis po ito. Ang objective po namin, sana may magandang Christmas gift ang ating mga kababayan na by end of the year eh ma-deploy natin significantly iyong digital ID,” pagdidiin pa ni Uy.