Nagbuga muli ng abo ang Mayon Volcano, ayon sa pahayag ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

National

Abalos, tiwala sa kakayahan ni bagong DILG Sec. Jonvic Remulla

Sa monitoring ng Phivolcs sa nakaraang 24 oras, nagkaroon din ng anim na pagyanig ang bulkan, bukod pa ang 110 rockfall events at isang pyroclastic density current (PDC) event.

Nagpakawala rin ito ng lava sa Bonga Gully (3.4 kilometro), Mi-isi Gully (2.8 kilometro), at Basud Gully (1.1 kilometro).

Naitala rin ng Phivolcs ang sulfur dioxide emission ng bulkan na umabot sa 609 tonelada nitong Setyembre 11.

Nagbuga rin ng puting usok ang bulkan at ito ay umabot sa 200 metrong taas bago tangayin ng hangin pa-timog-timog silangan at timog-silangan.

Babala pa ng ahensya, bawal pa ring pumasok sa 6-kilometer radius permanent danger zone (PDZ) ng bulkan dahil sa bantang panganib ng pagragasa ng lava at pagbuga nito ng mga bato.