Dalawang fishing vessel at mga nahuling isda na nagkakahalaga ng ₱100 milyon ang sinamsam dahil sa illegal fishing sa Tayabas, Quezon kamakailan.

Inaresto rin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang 15 tripulante ng FV Princess Bernice Carmona at FV Lady Yasmin na may lulang 16 tripulante.

Binanggit ng PCG, bahagi lamang ito ng kanilang kampanya laban sa illegal fishing sa karagatang sakop ng Tayabas Bay sa Lucena City nitong Setyembre 9.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Bukod sa dalawang fishing vessel, sinamsam din ng Coast Guard ang mga nahuling isda sa lugar.

Nakatakdang isampa ng PCG ang kasong paglabag sa Philippine Fisheries Code of 1998 laban sa mga tripulante.