Ipinahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na handa ang Pilipinas na magkaloob ng anumang suportang maaaring kailanganin ng Morocco matapos itong magtamo ng malaking pinsala dahil sa magnitude 6.8 na lindol.

Matatandaang naiulat na tumama ang naturang malakas na lindol sa timog-kanluran ng Marrakesh, Morocco noong Biyernes ng gabi.

“The Philippines is ready to offer assistance and any support that may be needed for the swift recovery of your nation,” pahayag ni Marcos sa kaniyang X post nitong Martes, Setyembre 12.

Internasyonal

Morocco, niyanig ng magnitude 6.8 na lindol

“We have faith in the strength and resilience of the Moroccan people to unite and rebuild in the face of such adversity,” dagdag pa niya.

Sinabi rin ng pangulo na nalulungkot siyang malaman na libo-libo na ang mga naitalang nasawi dahil sa naturang lindol.

https://balita.net.ph/2023/09/11/mga-nasawi-sa-lindol-sa-morocco-umabot-na-sa-halos-2500/

“The Filipino people are deeply saddened to learn of the devastating 6.8-magnitude earthquake that has tragically claimed over 2,000 lives in Morocco,” ani Marcos.

“We stand in grief and solidarity with you, and our prayers go to the families affected by this tragedy,” saad pa niya.

Kamakailan lamang ay ibinahagi ng Philippine Ambassador to Morocco Leslie Baja na walang Pinoy na nakasama sa mga nasawi dahil sa nasabing malakas na pagyanig sa naturang bansa.

https://balita.net.ph/2023/09/09/walang-nadamay-na-pinoy-sa-6-8-magnitude-quake-sa-morocco-ph-envoy/