Isang magnitude 6.8 na lindol ang yumanig sa Morocco nitong Biyernes ng gabi, ayon sa US Geological Survey (USGS).

Base sa tala ng USGS, nangyari ang lindol na may lalim na 18.5 kilometro dakong 11:11 ng gabi (2211 GMT).

Namataan ang epicenter nito 71 kilometro ang layo sa timog-kanluran ng Marrakesh, Morocco.

Sa ulat ng Agence-France Presse, nag-isyu ang PAGER system ng USGS ng orange alert para sa inaasahang pinsala ng lindol, at ng yellow alert para naman sa posibleng “shaking-related fatalities.”

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

Madalas umanong makaranas ang Morocco ng lindol sa northern regionnito dahil nakaposisyon ito sa pagitan ng African at Eurasian plates.

Noong 2004, nasa 628 umano ang nasawi at 926 ang nasugatan nang yanigin ng lindol ang Al Hoceima sa northeastern Morocco.