Ibinahagi ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) ang nakamamanghang larawan ng planetang Marcury na nagsisilbing pinakamaliit na planeta sa solar system at pinakamalapit sa araw.

Sa isang Instagram post, inihayag ng NASA na bilang pinakamaliit na planeta, kaunti lamang ang laki ng Mercury sa buwan ng Earth.

“While Mercury may be the smallest planet, it is also the speediest, traveling in its orbit at almost 29 miles (47 km) per second, making a year on Mercury just 88 Earth days,” anang NASA.

Tinatayang 36 million miles (58 million kilometers) lamang din umano ang pagkakalayo ng Mercury sa araw.

Human-Interest

Jeepney driver, nilibre ng pamasahe estudyanteng tumulong sa kaniya noong pandemya

Samantala, ang ibinahagi ng NASA na view ng Mercury ay nakuha umano ng MESSENGER, ang unang spacecraft na nag-orbit sa naturang planeta at nangolekta ng “color enhanced maps” upang malaman ang chemical, mineralogical, at pisikal na pagkakaiba ng mga bato sa ibabaw ng mga planeta.

“Instead of an atmosphere, Mercury has a thin exosphere composed mostly of oxygen, sodium, hydrogen, helium, and potassium. Due to its lack of atmosphere and proximity to the Sun, daytime and night time on Mercury swing dramatically in temperature ranging from 800ºF (430ºC) during the day to -290 ºF (-180 ºC) at night,” saad ng NASA.

“Mercury’s comparatively weak magnetic field compared to Earth, at just 1% strength of our own, interacts with solar winds creating magnetic tornados that tear across the planet’s surface,” dagdag pa nito.