Kinaaliwan ng mga netizen ang "female version" ng kontrobersiyal na social media personality na si Rendon Labador, na nilikha ng digital graphic artist na si "Ronald Quiñones, Jr." na kilala sa kaniyang content na "Lowcosedit."

Si Ronald ay kinabibiliban dahil sa kaniyang pag-eedit ng graphics at images, lalo na sa mga sikat na personalidad. Siya ay may 1.2M followers sa kaniyang page.

"Pak! Motivational Girl ❤️" caption dito ni Ronald.

TINGNAN: Listahan ng mga nag-file na kandidato sa pagkasenador at party-list

Mapapanood sa video ang proseso ng kaniyang pag-eedit sa larawan ni Rendon hanggang sa mag-transform ito bilang babae.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Ganda niya hahahaha."

"Galing mo talaga, Ronald!"

"Sana kasama ang motivational rice."

"Edit with VG hahaha."

"Ang ganda mo rendon npaka effortless babae na agd."

"Sana rice cup yung background"

Photo courtesy: Lowcostedit/Ronald Quiñones, Jr./FB

Mainit na pinag-uusapan ngayon ang pagkawala ng ilang social media platforms ni Rendon dahil sa "mass reporting."

MAKI-BALITA: ‘Unti-unti nang nawawala online?’ Email ni Rendon, burado na rin

MAKI-BALITA: Rendon: ‘Kawawa talaga ang Pilipinas kung wala ako!’

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Rendon tungkol dito. Para sa mga nais magpagawa ng edited digital arwtork kay Ronald, mangyaring makipag-ugnayan lamang sa kaniyang opisyal na Facebook page.