Inilunsad na ang pinakaabangang parody song ni Michael V. o “Bitoy” sa Facebook page ng Bubble Gang nitong Linggo, Setyembre 10.

Ang nasabing parody song ay may pamagat na “Waiting Here Sa Pila” na hango sa sikat na “Raining in Manila” ng bandang “Lola Amour”.

Tila ang paksa ng parody ni Bitoy ay patama sa mga pasosyal na tao na mahilig sa mamahaling kape kahit “nakatambak ang bayarin” ika nga sa lyrics ng kanta.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Hindi naman napigilang magpahayag ng paghanga at pasasalamat ang bandang “Lola Amour” sa na-produce na kanta ni Bitoy..

“HAHA WAITING HERE SA PILA 😭 Solid sir Salamat po!!!” komento ng banda.

“Lola Amour Thank YOU! Very inspiring in all aspects ang music n’yo, kung alam n’yo lang. More power to you guys. Next time, showdown na ‘to! 😆😆😆” tugon naman ng komedyante.

Matatandaan na kamakailan lang ay ni-release ni Bitoy ang 33-seconds teaser ng “Waiting Here Sa Pila”.

Sa kasalukuyan, habang isinulat ang artikulong ito, mayroon nang mahigit kalahating milyong total views ang nasabing parody song.