Ibinahagi ng Kapamilya star na si Andrea Brillantes ang ilang kuhang larawan sa panonood niya ng 2023 FIBA Basketball World Cup sa SM Mall of Asia Arena kamakailan.

Makikitang nakahalubilo ni Andrea ang ilan sa mga co-celebrities gaya ng katambal ngayon sa seryeng "Senior High" na si Kyle Echarri, at ang bagong kasal na si Maja Salvador- Nuñez, misis ni Rambo Nuñez na kilalang negosyante at sports buff.

Siyempre kasama niya ang dalawa sa "ABCD Girls" na sina Bea Borres, at Criza Taa. Hindi naman namataan sa photos si Danica Ontengco.

"Unforgettable moments at the second FIBA World Cup in the Philippines! 🏀 Thank you FIBA, for bringing this historic event to our country! 🙌🏻💙 What an experience! FIBA Basketball World Cup #fibawc," mababasa sa Facebook post ni Blythe nitong Lunes, Setyembre 11.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Ngunit ang isa sa mga ikinawindang ng mga netizen ay pagpapa-pic ni Andrea sa isang basketball player.

Matatandaang ang ex-boyfriend ni Andrea ay si Ricci Rivero na isang basketball player.

Narito ang mga dagsa ng reaksiyon at komento sa nabanggit na larawan:

"Ka hilig nmug basketball players"

"Laban Pilipinas!"

"Huwag na muna Andrea rest ka muna..."

"Hiligag basketball players indae uy"

Samantala, may ilang netizens naman ang nagtanggol kay Andrea na sana raw ay huwag nang haluan pa ng malisya ang simpleng pagpapa-picture ni Andrea sa nabanggit na basketball player.

"Nagpa-pic lang isyu na?"

"Toxic ang comment section, grabe."

"Tigilan n'yo na si Blythe."

"The amount of people here in the comment section who are sexualizing Andrea disgusts me."

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Blythe tungkol dito.