“Idinaing” ni Kapamilya TV host-actor Luis Manzano ang ginawa umanong pang-aasar ng kaniyang anak sa TikTok video nito kamakailan.

Makikita kasi sa video na panay ang banggit ng anak nilang si Isabelle Rose Manzano o “Baby Peanut” ng salitang “baba” habang karga siya ng kaniyang inang si Jessy Mendiola.

“Palagi sinasabi ni @isabellarosemanzano ang “baba” Which is Dad sa Arabic, either yun…. O inaasar nya baba ko 😒😒😒 paki sabihan @jessymendiola na kilalanin nya binabangga nya,” sey ni Luis sa kaniyang TikTok post.

Naaliw naman ang netizen sa naging caption ni Luis at sa kakyutan ni Baby Peanut:

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“ahahahaha wala pati si peanut may alam na🤣”

“Grabe ka peanut napakaCute mo.Lakas mo mang asar🥰”

"yung caption pls 😭😭😭"

"'kilalanin niya binabangga nya" 😭😭😂😂😂😂😂'"

“aww so cutie baby peanut 😍”

“🥰🥰🥰so cute”

Matatandaan na minsan na ring pinanggigilan online ang kakyutan ng panganay nina Luis at Jessy.

Sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, may mahigit 142k hearts at 368 shares ang nasabing video.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/02/28/cute-na-cute-na-si-baby-peanut-nina-luis-manzano-jessy-mendiola-muling-pinanggigilan-online/