Nawindang ang mga netizen sa ginawang paglaplap ng karakter ni Coco Martin na si “Tanggol” sa karakter ni “Mokang” na ginagampanan ni Lovi Poe sa inilabas kamakailan na 7-minute trailer ng bagong yugto ng teleseryeng “FPJ’s Batang Quiapo”.

May isang eksena kasi sa trailer kung saan aksidenteng nagkita ang dalawang karakter sa Quiapo Church at pagkatapos ng kanilang emosyunal na pagtatagpo, sabik na hinalikan ni Tanggol si Mokang.

Sey ng mga netizen, “Tanggol mama mo yarn! Ba’t mo nilaplap?”

Kasal na kasi si Mokang sa tunay na ama ni Tanggol na si Ramon Montenegro na ginagampanan ni “King of Philippine Drama” Christopher De Leon kaya nasabi iyon ng mga netizen.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa bandang huli ng trailer, nangyari na rin ang pinakahinihintay ng lahat. Nagkita na ang mag-amang Tanggol at Ramon. Nagkatutukan sila ng baril nang maabutan ng huli ang eksena nina Mokang at Tanggol na naghahalikan. Pero mukhang magkakasundo rin ang mag-ama dahil sa komprontasyon ni Ramon kay David Dimaguiba na ginagampanan ni McCoy De Leon, kasama na ni Ramon si Tanggol sa mansiyon nito.

Tila naka-jackpot naman si Coco dahil bukod sa halikan nila ni Lovi, tampok din sa trailer ang isang eksena kung saan makakalaplapan din niya sa loob ng kulungan ang karakter ni Ivana na si “Bubbles”.

MAKI-BALITA: Coco hinigop si Ivana