Napansin daw ng mga netizen na parang hindi naha-haggard at fresh na fresh pa rin ang direktor at bida ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin, nang humarap ito sa panayam ni ABS-CBN News showbiz reporter MJ Felipe kamakailan, habang nasa airport ito patungong Italy para sa "ASAP Natin 'To in Milan."

Nabanggit ni Coco na sa totoo lang daw, na-stress at napapagod na siya sa ginagawa niya, aba'y siya nga lamang naman ngayon ang direktor na, writer, at bida pa sa isang seryeng pang-Primetime na kailangang makapag-produce kaagad ng mga eksena dahil limang beses sa isang linggo ang airing nito.

Plus, malaking pressure din kay Coco dahil bukod sa malalaking artista ang kasama niya, isa rin ang serye nila sa mga palabas na tinututukan sa Kapamilya Network.

Hindi nga raw alam ni Coco kung saan siya humuhugot ng lakas at ideya, dahil kapag nasa set na siya at nagdidirehe na, kusa na lang bumabalong ang mga ideya at daloy ng kuwento sa kaniyang isipan.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Ang estilo kasi ni Coco, walang script-script at on the spot mag-isip ng mga diyalogo at eksena. Hinahayaan daw niya ang mga aktor at aktres niya na mag-isip ng mga linya, basta ibibigay niya kung ano ang gusto niyang makita.

Pero naniniwala ang direktor-aktor na bukod sa Poong Maykapal, ginagabayan din siya ng pumanaw na si Da King Fernando Poe, Jr.

Anyway, marami naman ang nakakapansing tila hindi naman daw halata sa hitsura ni Coco ngayon ang sinasabi niyang stress na siya.

Tila mas lalo raw itong pumopogi at yuma-yummy!

Narito ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng netizens.

"Mukhang masarap nga lagi hahaha."

"Ang galing mag-alaga ni Julia hahaha."

"Oo nga mas lalo siyang gumuguwapo hahaha."

"Kahit ginugulpi gwapo pa din yan lalo ngayon hahaha."

"Sarap hahahaha."

"Grabe biglang pumogi lalo si Coco hahahaha."

"Suwerte sila ni Julia sa isa't isa."

"Siyempre need niya magpa-pogi kasi may Lovi na siya, may Ivana pa!"

Speaking of Ivana, nawindang ang mga netizen sa pasabog na 7-minute trailer sa bagong yugto ng serye dahil may "higupan scene" pala sila rito ni Ivana.