Nagbigay ng mensahe ang aktres na si Aubrey Miles para sa kaniyang namayapang ina nitong Sabado, Setyembre 9.

Sa caption ng kaniyang Instagram post, sinabi ng aktres na hindi umano natatakot ang mga ina na harapin ang kamatayan; natatakot silang iwan ang kanilang mga anak dahil alam nilang wala nang magmamahal at mag-aalaga sa mga ito gaya ng ginawa nila para rito.

“Mothers don’t fear death. They’re afraid of leaving behind their children knowing that nobody will love and care for them like she did,” panimula niya sa kaniyang post.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dagdag pa niya, nagiging bata umano siya sa mga panahong kasama niya ang kaniyang ina. At ngayong wala na ito, hindi na niya iyon mararamdaman pa. Kaya sa huling pangungusap ng kaniyang mensahe, nasabi niya na “the grief will never end”.

Nagpaabot naman ng kaliwa’t kanang pakikiramay ang kaniyang mga follower sa Instagram:

“Our deepest condolences Aubs and Anj may Tita Pearl’s soul rest in peace. Sending you love and prayers.🤍”

“My deepest sympathy to you and your family. 🤍🙏🏼”

“My condolences Aubrey!🙏🏻🙏🏻🙏🏻”

“So sorry for ur loss po!! Absolutely agree every iwrd u said 🫶 Condolences to the whole family 💐💐💐”

“Sorry to hear this. My deepest sympathy to your family !Condolences 💐 love you ❤️🙏 r.I.p”

Si Aubres Miles ay aktres na nakilala sa mga pelikulang “Gagamboy”, “Xerex”, “Super Noypi”, at iba pa.