Usap-usapan ang pagkikita nina dating pangulo at kasalukuyang Deputy Speaker Gloria Macapagal Arroyo at dating Vice President Leni Robredo, sa isang dinner kasama si Alita Mercado, nanay ni San Pedro, Laguna mayor Art Mercado, na makikita sa kaniyang Facebook post noong Setyembre 6.

Batay sa kaniyang Facebook post, hindi lamang sina GMA at dating VP Leni ang nakasama ni Mercado kundi maging ang iba pang mutual friends mula sa Bicol.

Mababasa sa kaniyang Facebook post, "What a wonderful night with my Kumadres…Judy, Pearl, FPGMA & FVP Leni Robredo. 💚💚💚."

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Samantala, kinumpirma naman ni Arroyo ang pagsasama nila ni Robredo sa nabanggit na dinner. Aniya, pinag-usapan daw nila ang ilang mga usaping pampolitika sa Bicol.

Ibinahagi rin ni Mercado ang tungkol dito, sa isa pang hiwalay na Facebook post.

"From Kumadreng Deputy Speaker Former President Gloria Macapagal Arroyo," aniya.