Tila kasado na raw ang pagbabalik ng show ni Willie Revillame na "Wowowin" na mapapanood na umano sa dalawang government-owned network na PTV-4 at IBC-13.

Sa official Facebook page kasi ng Wowowin ay makikita umano ang pakikipagkita ni Willie sa umano'y mga ehekutibo ng dalawang network na pinatatakbo ng pamahalaan.

Mababasa sa caption, "HINDI NA CHISMIS! Malapit na malapit na! #Wowowin."

Pagpapatuloy sa comment section ng post:

National

405 sa 677 umano'y benepisyaryo ng confi funds ni VP Sara, walang record of birth sa PSA

"ABANGAN!!!"

"Pagbibigay ng saya, tulong, at mas maraming papremyo para sa mga Pilipino nationwide!"

Sa balita naman ng "Ulat Bayan" ng PTV-4, magkakaroon ng 14 na bagong shows ang "bagong mukha" ng Philippine state-controlled media.

Natanong sa General Manager ng network na si Analisa Puod kung kumpirmado na bang mapapanood sa PTV ang show ni Willie.

Aniya, mahabang proseso raw ang naging pag-uusap nila, ni Willie, at ng IBC-13 na sana raw ay mauwi sa maganda at masaya. Hindi pa niya kinumpirma nang tuluyan kung talaga bang kasadong-kasado na ang paglipat ng Wowowin ng bagong tahanan.

Matatandaang umalis na sa ALLTV ni dating senador Manny Villar si Willie.

Kumalat ang alingasngas na mapapanood na ang Wowowin sa PTV-4 nang maispatan si Willie sa studio ng nabanggit na network, ka-groupie ang ilang news anchors nito.