Usap-usapan ngayon ang batikang character actress na si "Susan Africa" dahil sa patikim sa kaniyang karakter sa panibagong yugto ng "FPJ's Batang Quiapo."
Sa inilabas na 7-minute trailer ng BQ, makikitang tila nakaahon na sa hirap ang karakter nina Susan at Pen Medina, na gumaganap na mga magulang ni "Mokang/Monique" na ginagampanan naman ni Lovi Poe.
Si Lovi kasi ay nagpakasal kay "Don Ramon," long-lost father ni "Tanggol," na ginagampanan naman ni Christopher De Leon.
Na-excite ang mga netizen kay Susan dahil finally raw, mukhang "nakaahon" na ito sa mga karaniwang roles na "api-apihan" o mahirap.
Nag-post din tungkol dito ang batikang ABS-CBN writer na si Jerry B. Grácio.
"In fairness, sa trailer ng bagong yugto ng #FPJsBatangQuiapo, mukhang mayaman ang role ni Susan Africa. Bongga na nakaahon-ahon na si Madam mula sa kanyang api roles."
"Jusko, ang galing-galing ni Susan, huwag natin siyang ikahon sa mga karakter na lagi na lang may TB," anang Jerry sa kaniyang social media post.
Sang-ayon naman dito ang mga netizen.
"OMG TAPOS LAGING NAKA-DASTER!!! SHE'S THE EPITOME OF POOR MOMMA OF PINOY SERYES HAHAHAHAHA."
"I also feel like she has been shortchanged for a long time. Underrated siya masyado. I’m glad for this change."
"Lagi kasi roles niya: yaya, maid, mahirap, aping-api, etc."
"First time niya ngang hindi nagkasakit sa Dirty Linen. Haha."
"Mula nang napanood ko siya sa Mara Clara parang iilang beses lang siya hindi naging mahirap. I'm happy Doña na siya at walang sakit."
"New era of Susan Africa! Refreshing na makita naman ang akting na mayaman niya."
Si Susan Africa ay sumikat sa pagganap bilang "Susan" sa soap operang "Mara Clara" noong 90s.
Simula noon ay lagi na ngang gumaganap si Susan bilang isang ina, kasambahay, o titang mahirap o maysakit.
Sa nagtapos na "Dirty Linen" ay gumanap siyang nanay ng karakter ni JC Santos.