Sa kaniyang panayam sa Fast Talk with Boy Abunda kamakailan, ibinunyag ni Barbie Forteza na ang nanay niya umano ang kaniyang unang naging acting coach.

“Kapag nililingon mo ngayon ‘yun–‘yung beginnings mo–ano ‘yung pinakaimportanteng leksiyon sa pag-arte na natutunan kay Mommy?” tanong ni Tito Boy.

Pero bago niya sinagot ‘yon, nagbiro muna si Barbie na baka marami umanong mag-enroll sa mommy niya. 

Pagkatapos, ikinuwento niya ang kaniyang karanasan sa isang audition para sa isang TV project kung saan niya nakasabay ang mga batang gaya niya.

National

Sen. Imee Marcos, nanawagan ng 'urgent investigation' sa pag-aresto kay FPRRD

“Magkakahilera kaming mga bata. Tapos binigyan kami ng script. Ta’s parang lahat ng tono, the way ibato ng mga bata…iisa. So parang nag-isip ‘yung nanay ko kung paano namin iibahin. No’ng time time na ‘yun kontrabida ‘yung ino-audition ko. So ang ginawa niya, bagalan mo… ang delivery. Kasi parang ‘pag galit ka ang tendency agad, bilisan mo ‘yung pananalita mo, e, hindi ba? So parang sabi niya, ibahin natin. Bagalan mo. Tapos diinan mo. So, nakuha ako.”

Samantala, sa proseso naman ng pag-arte, sinabi ni Barbie na inaaral daw muna niya ang kaniyang character na ginagampanan. 

“Para pag binasa ko na ‘yung script as my character na. Para madali na ‘yung flow….madali ‘yung arc ng character… binubuo ko siya muna.”

Sa kasalukuyan, nakatakdang gumanap si Barbie Forteza bilang “Monique” sa TV adaptation na “Maging Sino Ka Man” ngayong Setyembre. Muli niyang makakatambal sa nasabing programa si David Licauco bilang “Carding”.