Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Biyernes, Setyembre 8, na posibleng maging low pressure area (LPA) ang namataang kaulapan sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR).

Ayon kay weather specialist Aldczar Aurelio dakong 4:00 ng madaling araw, namataan ang naturang mga kaulapan na maaaring maging LPA sa bandang Taiwan at Dagat Pasipiko sa labas ng PAR.

Pagdating naman sa weather update sa loob ng 24 oras, inihayag ni Aurelio na inaasahang magiging maganda at maaaliwalas ang panahon sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

“Although maganda at maaliwalas na panahon, may tiyansa pa rin ng mga isolated na pag-ulan dulot ng thunderstorms,” ani Aurelio.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

“Inaasahan din natin ang mainit na panahon kaya mataas po ang temperaturang maitatala sa Metro Manila na aabot ng 34°C,” dagdag pa niya.

Samantala, patuloy pa rin umanong nakaaapekto ang mahinang southwest monsoon o habagat sa kanlurang bahagi ng Northern at Central Luzon.