Sa anunsyo ng PCSO nitong Huwebes, nagtungo na sa kanilang punong tanggapan sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City ang 47-anyos na lotto winner, kasama ang kanyang mister, upang kubrahin ang napanalunang ₱61,234,178.20.
Sa pahayag ng PCSO, nahulaan ng lotto winner ang six-digit winning combination na 18-25-12-14-13-22 ng Lotto 6/42 na binola noong Hulyo 1, 2023 kaya’t napanalunan nito ang naturang halaga.
Ang mga naturang numero ay pawang araw ng kapanganakan nilang mag-anak at may 20-taon na umano niya itong tinatayaan, ayon pa sa nasabing mananaya.