Magpapakalat ng mga tauhan ang Department of Agriculture (DA) upang magbantay sa merkado para matiyak na hindi haluan ng mababang uri ng bigas ang mga sakop ng price ceiling.

Paliwanag ni DA Spokesperson Willie Ann Angsiy, kabilang sa babantayan ng ahensya ang regular milled at well-milled rice na ibinebenta sa mga pamilihan sa buong bansa.

“So ito pong NFA (National Food Authority), i-de-deputize po ‘yan ng DA para po mayroon po talaga tayong technical expertise to determine that these are properly classified as regular milled and well-milled rice,” aniya.

Ipinagtanggol din ng opisyal ang desisyon nila na irekomenda kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. na magpatupad ng price cap sa bigas.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

"There are several factors that were considered in coming up with this. Syempre, una, magiging affordable na ba iyan sa arting consumers. Pangalawa, magkano ba ang input cost nito sa ating farmers? Magkano ba ang farmgate price? So marami po tayong factors na kinonsider. At ito naman po ay average ng presyuhan natin nitong mga nakalipas na linggo," sabi ni Angsiy.

Matatandaang inaprubahan ng Pangulo ang rekomendasyon ng DA at ng iba pang ahensya ng pamahalaan na magpairal ng price ceiling bilang tulong na rin sa mahihirap na pamilya na apektado ng patuloy na pagtaas ng mga bilihin.