"Ikaw na talaga, Kiray!"

Napa-sana all na lang ang mga kapwa celebrity at netizens sa appreciation post ng komedyanteng si Kiray Celis matapos niyang ipagwagwagan ulit ang pagmamahalan nila ng jowang si Stephen Estopia.

Inilarawan ni Kiray ang jowa bilang "hindi sakit sa ulo" at hindi nagdadala ng stress sa kaniya. Hindi na raw ito kailangan pang bantayan dahil alam nito kung ano ang tama sa mali.

"Ang sarap magmahal kapag hindi ka stress sa partner mo," anang Kiray.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Yung hindi siya dagdag sa alalahanin mo. Yung hindi na kailangan bantayan dahil alam niya yung tama at mali. Yung kahit pagod ka na, minomotivate ka niya magpatuloy."

"Ang sarap mag stay sa relationship na hindi issue ang tiwala at hindi nauubos ang oras sa pagtatalo. Naka focus lang kayo sa progress at success ng buhay niyong dalawa na magkasama."

Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon dito si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na agad namang nireplayan ni Kiray.

"@marianrivera parehas nasa set, nagcecellphone! HAHAHAHAHAH I love you te yan!"

Wish naman ng mga netizen sa comment section, deserve daw ni Kiray kung anuman ang tinatamasa niya ngayon sa career gayundin sa love life.