Nakasungkit muli ng gintong medalya si Pinoy pole vaulter EJ Obiena matapos pagharian ang NetAachen Domspringen sa Aachen, Germany nitong Miyerkules.

Nilundag ni Obiena ang 5.92 metro na nagpapanalo sa kanya ng gold medal.

Pinayuko ni Obiena sina Sam Kendricks (United States) na nakakuha lamang ng silver medal dahil sa naitalang 5.87 metro, at French athlete Thibaut Collet (bronze medal) na lumundag lamang ng 5.82 metro

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

Ito na ang ikalawang gold medal ni Obiena. Ang una at nasungkit nito sa Wanda Diamond League sa ISTAF Berlin nitong Linggo.