Inihayag ng Professional Regulation Commission (PRC) nitong Miyerkules, Setyembre 6, na 76 sa 162 examinees ang pumasa sa August 2023 Sanitary Engineers Licensure Examination.

Sa inilabas na resulta ng PRC, kinilala si Neil Spencer Roxas Almario mula sa Mapua University-Manila bilang topnotcher matapos siyang makakuha ng 83.80% score.

Pumangalawa naman si Aizel Torchangon Salagma mula sa University of Baguio na may 83.70% score, habang pumangatlo si Glenndel John Villantes Beringuel ng Lyceum of the Philippines-Cavite na mayroon namang 83.50% score.

Isinagawa umano ang naturang pagsusulit mula Agosto 22 hanggang Agosto 29 sa mga testing center sa National Capital Region (NCR), Davao, at Rosales.

National

Batikang journalist binaril sa loob ng bahay sa Aklan, patay!

Inabisuhin din ng PRC ang board passers na maaari silang mag-register online para sa Professional Identification Card (ID) at Certificate of Registration mula Oktubre 13 hanggang 16.