Napa-vava boom at halos lumuwa ang mga mata ng netizens sa latest photos ni "It's Showtime" host Anne Curtis para sa isang branded item.

"Iconic runway piece in time for the opening of the new @gucci house in Manila," caption dito ni Anne.

Grabehan naman kasi ang mga larawan ni Anne na boudoir-inspired na kuha ng celebrity photographer na si Luis Ruiz.

Suot ni Anne ang isang chain bra na bahagi ng Gucci Fall/Winter 2023 campaign collection.

National

ITCZ, magdadala ng mga pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa

Napa-react ang mga kapwa celebrity sa kaniyang post gaya nina Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, Maine Mendoza, Iza Calzado, Shaina Magdayao, Tim Yap, Karen Davila, Kuya Kim Atienza, Mariel Padilla, at maging ang kaibigang si Angelica Panganiban.

"Tigil mo na to kambal. Ayoko na mainggit," nasabi na lamang ni Angge.

Si Anne ay madalas na liban sa It's Showtime dahil sa paghahanda sa kaniyang movie project sa direksyon ni Erik Matti.