Isa sa mga napag-usapang mainit na showbiz topic nina Ogie Diaz at co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh ang naging hirit ni Unkabogable Star Vice Ganda tungkol sa korapsiyon sa Pilipinas.

Sa isang episode kasi ng Showtime, sinita ni Vice ang boses ng kaniyang co-host na si Anne Curtis. Sey ni Anne, tanggap na raw ng Madlang People ang kaniyang boses at aprub sila sa pagsasabing maganda na raw ito.

Real talk naman ni Vice, "Yung boses mo parang korapsiyon sa Pilipinas. Hindi namin gusto, nasanay na lang kami..."

Komento na lang ni Ogie, wala na talagang magagawa pagdating sa korapsiyon. Ang tanging magagawa na lang, maging mas "matalino" at "responsable" ang mga botante sa pagpili ng mga iboboto at ihahalal sa posisyon sa mga susunod na eleksiyon.

Eleksyon

COC Filing Day 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

https://www.youtube.com/watch?app=desktop&v=PGQggM0pIbs