Muli na namang mamahagi ang pamahalaan ng "Pantawid Pasada" o fuel subsidy sa mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan sa bansa.

Ito ang tiniyak ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kasunod na rin ng pinirmahang Joint Memorandum Circular ng iba't ibang government agency, kabilang na ang nasabing ahensya.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Layunin ng programa na tugunan ang pinansyal na pangangailangan ng mga driver at operator ng mga pampublikong sasakyan sa gitna ng mataas na presyo ng produktong petrolyo.

Kabilang sa mga makatatanggap ng subsidiya ang mga kuwalipikadong operator ng ilang pampublikong sasakyan, katulad ng public utility jeepney (tradisyunal man o modern), public utility bus, taxi, UV Express, delivery service, at tricycle.

Nilinaw ng LTFRB, ang naturang subsidiya ay ipamimigay sa mga benepisyaryo sa pamamagitan ng digital banking, katulad ng e-wallet, bank accounts, o fuel subsidy card na maaaring gamitin sa ilang piling gasolinahan.