Napa-wow si Stell ng SB19 sa artwork ng kaniyang fan na si Aljay Camingao sa TikTok post nito kamakailan.

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Aljay, inamin niya na matagal na umano siyang fan ng SB19.

“Yes po matagal na, 2020 pa po.”

Dagdag niya pa, naiiba umano ang SB19 sa mga kasabayan nitong artists nang tanungin siya kung ano ang naging inspirasyon niya para iguhit si Stell.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

“Sila po kasi ang mga nilu-look up ko, amazed din ako dahil naiiba sila sa iba pang artists.”

Kaya naman hindi nakakapagtaka ang kasiyahang naramdaman niya nang mapansin siya ng kaning iniidolo.

“Masayang-masaya po ako as an artist na na notice yung FanArt ko ng taong pinortrait ko at as an A'tin ay sobrang tuwa ko dahil sa dami ba naman namin ay isa ako sa nabigyan ng chance na ma appreciate ng nag-iisang Coach Stell.”

Sa katunayan, hindi umano niya inaasahang magkokomento si Stell sa kaniyang Tiktok post.

“In fact ay hindi ako active sa Tiktok, may mga A'tin lang talaga ang nag-udyok sa akin na i-post sa Tiktok para makita din ng iba pang A'tin.”

Ang SB19 ay isang Filipino boy band na nagsimulang mabuo noong 2016.

Dagdag: Sa kasalukuyan, kabilang si Stell bilang coach sa “The Voice Generations” kasama nina Chito Miranda, Billy Crawford, at Julie Anne San Jose na napapanood sa GMA Network tuwing weekend.