June 05, 2026

Home BALITA

ICC naghahanap ng Tagalog, Cebuano interpreter

ICC naghahanap ng Tagalog, Cebuano interpreter
Photo Courtesy: via MB

Tumatanggap ng aplikasyon ang International Criminal Court (ICC) para sa mga nagnanais magsilbi bilang Paraprofessional Interpreter at Associate Court Interpreter sa wikang Tagalog at Cebuano.

Batay sa kanilang website, ang deadline ng parehong aplikasyon ay sa Hulyo 4, 2026. 

Sakaling matanggap, madedestino ang aplikante sa The Hague, Netherlands hanggang Disyembre 31, 2026 bilang bahagi ng kontrata. 

Papalo sa €55,665.00 ang magiging minimum net annual salary ng paraprofessional interpreter habang €71,173.00 naman ang para sa associate court interpreter.

Ayon sa ICC, ang dalawang binanggit na job opening ay parehong nasa ilalim ng Language Services Section, Division of Judicial Services, Registry.

Ex-SPs, nanawagang ayusin na ang gusot sa Senado

Matatandaang nakatakda nang ikasa ng ICC ang simula ng paglilitis kay dating Pangulong Rodrigo Duterte sa Nobyembre 30, 2026.

Nahaharap si Duterte sa kasong crimes against humanity dahil sa madugong giyera kontra droga sa ilalim ng kaniyang administrasyon.