Binura na ni Mark Leviste ang larawan nila ni Philip Salvador kasunod ng mga nakuhang reaksyon mula sa netizens.

Nang masilip ng Balita ang Instagram account ni Leviste nitong Lunes, wala na ang larawan nila ng aktor na si Philip Salvador.

screenshot ng Instagram account ni Mark Leviste

Larawan nina Mark Leviste at Philip Salvador, umani ng reaksyon

Sa buradong post ni Leviste noong Biyernes, Setyembre 1, ibinahagi niya ang ilang larawan sa naganap na 50th Anniversary ng Pentecostal Missionary Church of Christ. Kabilang na rito ang larawan nila ni Salvador.

photos courtesy: Mark Leviste/INSTAGRAM

Umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens ang nasabing post ng vice governor.

Hindi naman kasi lingid sa kaalaman ng nakararami na ex-boyfriend ng Queen of All Media Kris Aquino si Salvador at nagkaroon sila ng anak na si Josh habang si Mark naman ang recent ex-boyfriend ng aktres.

Maki-Balita: Larawan nina Mark Leviste at Philip Salvador, umani ng reaksyon