Umani ng reaksiyon at komento mula sa mga netizen ang pagbati ni Aljur Abrenica para sa kaarawan ng kaniyang jowang si AJ Raval, na 23 na pala.

Sa kaniyang Instagram post, Lunes, Setyembre 4, flinex ni Aljur ang iba't ibang larawan ni AJ at nilagyan ito ng caption na "Happy birthday pangit!"

Isang netizen naman ang tila sineryoso ang sinabi ni Aljur na "pangit" si AJ.

"Kung maka panget naman.. perpek ka?"

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

Ngunit mismong kapwa netizens na rin ang kumuyog sa kaniya.

"wahahahahah tinotoo nya eh hahhha"

"hindi yata nagkaroon ng love na kabiruan eh hahaha masyado namang tinotoo..."

Isa pang netizen ang nagkumpara ng naging birthday message noon ni Aljur sa kaniyang estranged wife na si Kylie Padilla.

"'To my strong willed, witty, stubborn, sarcastic and loving partner: You’re amazing at whatever you do A loving mom, an inspiring artist, humanitarian and an understanding wife that’s why I love you very much. May it be a significant birthday ever for you. Happy birthday, mahal,' —- Greet mo dati kay Kylie pero kay AJ 'happy birthday pangit' lang."