Nakapagtala pa ang Department of Health (DOH) ng 780 kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa nakaraang isang linggo.

Sa pahayag ng DOH, ang nasabing bagong kaso ay naitala mula Agosto 28 hanggang Setyembre 3.

Nilinaw ng DOH na nasa 111 na ang daily average ng kaso kung saan tatlong porsyentong mababa kumpara sa nakalipas na linggo.

Ayon sa ahensya, 10 sa nasabing kaso ay kritikal ang kalagayan.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa ngayon, nasa 4.110 milyong Pinoy ang nahawaan ng sakit sa buong bansa, kabilang ang 66,667 na nasawi.