Isa ang nanalo ng ₱111 milyong jackpot sa draw ng 6/55 Grand Lotto nitong Lunes ng gabi.

Wala pang ibinigay na impormasyon ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kaugnay ng pagkakakilanlan ng nanalong mananaya.

Sa pahayag ng PCSO, nahulaan ng nasabing mananaya ang winning combination na 55-50-06-45-12-40.

Pinayuhan ng PCSO ang naturang instant millionaire na magtungo na lamang sa Central Office nito sa Mandaluyong City upang makubra ang premyo at dalhin ang winning ticket, kasama ang dalawang valid identification (ID).

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Gayunman, babawasan ng 20 porsyentong buwis ang premyo nito alinsunod na rin sa Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law.

Bukod dito, isang porsyento rin ng premyo ang kukunin para sa PCSO agent kung saan binili ang nanalong ticket.