Walang nakapag-uwi ng ₱49.5 milyong jackpot para sa 6/58 Ultra Lotto draw nitong Linggo ng gabi.

Ito ang isinapubliko ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at sinabing nabigo ang mga mananaya na mahulaan ang 6-digit na winning combination na 51-08-56-18-37-09.

Umabot sa ₱49,500,000 ang premyo sa nasabing Ultra draw.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Hindi rin napanalunan ang ₱30,390,963 jackpot sa draw ng 6/49 Lotto.

Kabilang sa mga lumabas na nanalong numero ang 32-29-10-45-17-30.

Inaasahang tataas pa ang premyo para sa dalawang lotto games.