Live na nagkuwentuhan ang magkatambal na sina Julia Montes at Alden Richards sa Instagram Live ng Kapuso actor noong Biyernes, Setyembre 1.

Nagchikahan na nga ang dalawa tungkol sa kanilang trending na pelikulang "Five Break-ups and a Romance" na handog ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at Myriad Entertainment. Masayang-masaya ang dalawa dahil ilang oras pa nga lang nailalapag sa social media ang teaser nila, pumalo na kaagad ito sa million views.

Bida ni Julia, alam na raw niya kung bakit marami ang umiidolo kay Alden. Sobrang bait daw kasi ng aktor at talagang talented. Hindi raw nahirapan ang identified Kapamilya actress sa mga eksena nila.

Kitang-kita naman sa "talakan scene" na teaser nila ang chemistry ng dalawa.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Isa pa sa inamin ni Julia, kinabahan daw siya sa kissing scene nila ni Alden dito sa pelikula. Ito kasi ang first time nilang magsasama sa pelikula, at siyempre, talagang kung tutuusin ay strangers sila sa isa't isa dahil magkaiba sila ng home network.

Ito ang unang beses na natambal si Julia sa isang Kapuso actor, habang si Alden ay pangalawa naman.

Matatandaang hawak pa rin ng 2019 Star Cinema movie na "Hello, Love, Goodbye" nila ni Kapamilya star Kathryn Bernardo ang titulong "highest-grossing Filipino movie of all time" sa panahong wala pang Covid-19 pandemic.

Sinasabing bandang Oktubre daw mapapanood sa mga sinehan nationwide ang pelikula nina Alden at Julia, at mauuna naman ang "A Very Good Girl" nina Kathryn at Dolly De Leon, sa Setyembre 27.

MAKI-BALITA: Teaser ng pelikula nina Julia, Alden inilabas na