National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Nasa 1,316,265 ang naghain na ng certificate of candidacy (COC) para sa idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre 30.

Sa datos ng Commission on Elections (Comelec), aabot sa 92,173 ang kandidato para sa maging barangay chairman, at 690,531 naman ang nais maging kagawad.

Paglalabanan naman ng 85,816 ang puwesto bilang SK chairperson at 447,745 naman ang nais maging miyembro ng SK.

Magtutunggali ang mga ito para sa 672,016 na posisyon--42,001 (punong brgy.), 294,007 (sangguniang brgy.), 42,001 (SK chairperson) at 294,007 (SK members).