Itinampok ni Vice Ganda ang baby daughter niyang si Baby Fayah para ipa-groom sa kaniyang latest vlog noong, Agosto 31.

Ayon kay Vice, matagal na umano niyang hindi napapa-groom ang nasabing Promenian dog kaya nagpasiya siyang pumunta sa isang pet shop sa Quezon City.

“Mula noong mapilay siya, ilang buwan na ang nakakaraan dahil sa kalandian niya, e hindi pa siya napapa-groom,” pahayag niya.

Sa vlog ay ipinasilip ni Vice Ganda ang mga eksena kung paano ginugupitan ang balahibo ni Fayah habang nakikipagkulitan siya sa empleyado ng petshop.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“Nag-groom mo na ba siya dati?” tanong ng komedyante.

Umiling ang groomer na tinanong.

“A, hindi pa. Ikaw, saan ka nagpapa-groom, Kuya? Dito rin?”

Natawa na lang si Kuyang groomer sa sinabi ni Vice.

Maraming netizen ang natuwa sa ka-cute-an ni Fayah. May ilan ding pumuri sa pag-aalaga ni Vice sa aso:

“Cant wait to have a mini vice or mini ion one day..knowing that you'll be going to be a super fantastic parent one day”

“Meme vice literally mothering! Brutal and sweet at the same time...hahahaha 🥰😍”

Matatandaan na nauna nang itampok ni Vice si Fayah sa kaniyang vlog noong Marso 15 nang ianunsiyo nila ng partner niyang si Ion Perez ang balak nilang magka-baby.