Usap-usapan ng mga netizen ang paglabas ng teaser ng pelikula nina Julia Montes at Alden Richards na may pamagat na "Five Breakups and a Romance."

Grabe naman kasi dahil ang highlight nito ay isa sa "confrontation scenes" na mapapanood sa nabanggit na pelikula. Sa nabanggit na eksena, mukhang kinokompronta ng karakter ni Julia ang karakter ni Alden matapos itong umuwing lasing.

Katwiran naman ni Alden, galing daw siya sa "group study."

"I only had a few drinks. Hindi ako lasing. Just what?" tanong ni Alden.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

"Kilala kita," saad naman ni Julia.

"Then say it! Having just?"

"Fucked that woman!" sambulat ulit ni Julia.

Wala pang exact date ang showing nito subalit mukhang sa 2023 ito aarya sa mga sinehan.

Narito naman ang ilan sa mga reaksiyon at komento ng mga netizen hinggil sa nabanggit na teaser, na mababasa sa comment section ng YouTube channel ng GMA Network.

"Ang intense ng confrontation scene na 'to! Grabe yung emosyon in one minute scene! Nakaka-excite lalo grabe kayo Alden and Julia!"

"Napakagaling nilang dalawa, can't wait to watch it, ang intense agad-agad!"

"Wow nakakadala naman yung emotion ni Julia hahahaha."

"Napakagaling nilang dalawa grabe ang intense superb acting sa dalawang 'to, isa ito sa mga pipilahan talaga sa sinehan teaser pa lang alam mo nang maganda ang story at ang gagaling ng 2 lead actors."

Ang pelikulang ito ay co-produced ng GMA Pictures, Cornerstone Studios, at Myriad Entertainment.