Hindi raw alam ni Samahang Basketbol ng Pilipinas Chairman Emeritus Manny V. Pangilinan ang itutugon kay Gilas Pilipinas Head Coach Chot Reyes nang mag-text ito sa kaniya at humingi ng tawad, kaugnay ng pagkatalo ng koponan sa 2023 FIBA Basketball World Cup.

Sa ulat ng "One News," nakatanggap umano ng text si MVP mula kay Reyes dahil sa "pagka-olats" ng koponan sa Group A standings.

“Nag-text sa akin si Chot late last night with only two words sabi niya, ‘Sorry boss’,” aniya.

Hindi raw alam ni MVP kung ano ang sasabihin sa head coach.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Di pa ko sumasagot kasi di ko alam sasabihin."

Gayunpaman, nagpakita pa rin ng suporta si MVP sa koponan gayundin kay Coach Chot.

"I feel for Chot; I have no doubt that he tried his best. I feel for the players; I have no doubt that they tried their best."

Pagkatapos mag-sorry ni Coach Chot kay MVP ay humingi rin siya ng dispensa sa Pinoy basketball fans, lalo't malaki ang ekspektasyon nila sa Gilas Pilipinas.

MAKI-BALITA: Matapos kay MVP: Coach Chot nag-sorry sa Pinoy fans ng Gilas Pilipinas