Kinagiliwan ng maraming netizen ang collab ni Kween Yasmin Asistido kay Jose Mari Chan kahapon, Agosto 31.

Sa video ay maririnig na kumakanta siya ng sikat na “Christmas In Our Hearts” habang kasama ang Christmas icon. 

“Dahil nalalapit na ang Christmas will sing our song Xmas in our hearts with Joy Mushroom,” saad ni Yasmin.

Samantala, sa isang hiwalay na post, nagpahayag siya ng kaniyang naramdaman sa naging pagtatagpo nila ni Jose Mari Chan.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

“It’s very nice to see you to sing-a-long with you. You are so very energetic and so kind, generous,” sey ni Yasmin. 

Umani ng samu’t saring komento ang nasabing video ni Kween:

“Sabotahe nangyari,bakit mo po nakamute si sir jose marie chan.”

“unang cover na nasa tono si kween🥺😭 im not crying you are”

“Iba kna talaga kween yasmi hahaha”

“The Collab we all been waiting for”

“Grabe sa sobrang galing mo, gusto ko nang mag bagong taon!! 😱”

“Grabe kana all purpose kween ang lamig ng boses paskong pasko.🥹🫶”

“Ang tulis ng boses”

“sana po nag practice muna si Sir JMC. Char”

Si Kween Yasmin o Yasmin Marie Asistido ay isang vlogger na nakilala dahil sa kaniyang pagiging umano’y multi-talented. Nagsimula siyang sumikat noong 2018 nang gumawa siya ng sariling bersiyon na mula sa kantang “Hayaan Mo Sila” ng Ex Battalion. 

Samantala, si Jose Mari Chan naman ay isang Filipino singer-songwriter na naging kilala dahil sa kanta niyang “Christmas In Our Hearts” na tila naging theme song na ng sambayanang Pilipino tuwing darating ang ber months.