Sa kauna-unahang pagkakataon ay lumabas sa noontime show na “It's Showtime” ang Kapuso actress na si Herlene Budol noong Miyerkules, Agosto 30.

Ayon kay Vice Ganda, isang malaking plot twist diumano ang pagsigaw ni Herlene ng pamosong katagang 'what's up, madlang people?' ng naturang programa.

“Tingnan mo nga naman ang plot twist dati ang sinisigaw mo 'bigyan ng jacket 'yan," biro ni Vice na naging ugat ng tawanan sa loob ng studio. 

Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na nakilala si Herlene sa “Wowowin” na pinangungunahan ni Willie Revillame.

National

Painting ni Amorsolo sa private museum sa NegOcc, ninakaw!

Ibinuking naman ni Ryan Bang na matagal na umanong gustong isigaw ni Herlene ang 'what's up, madlang people?'

"Oo, sa vlog lang dati ako sumisigaw ngayon nakasigaw na ako dito," pagsang-ayon ng ‘Magandang Dilag’ actress.

Samantala, noong Hulyo 1 ay lumipat sa GTV ang It's Showtime mula sa TV5 na hudyat diumano ng pagwawakas ng 'network war.’