Nasa 233 ang nasawi sa leptospirosis sa bansa ngayong taon, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa datos ng DOH, bahagyang tumaas ng bilang ng mga namatay sa sakit mula Enero hanggang Hulyo ngayong 2023, kumpara sa naitalang 201 nasawi sa kaparehong panahon noong 2022.

Umabot na sa 2,168 kaso ng leptospirosis mula Enero 1 hanggang Hulyo 22, 2023, 52 porsyentong mataas kumpara sa 1,423 kaso sa katulad na panahon nitong nakaraang taon.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kabilang sa mga lugar na nakapagtala ng kaso ang Central Luzon, Cagayan Valley, National Capital Region, Davao Region, Central Visayas, Bicol Region, Calabarzon, Zamboanga Peninsula, Caraga; Central Luzon, North Mindanao, Mimaropa,  Cordillera Administrative Region, Eastern Visayas, Cagayan Valley, Soccsksargen, at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Kabilang sa sintomas nito ang pananakit ng ulo, lagnat, panginginig, pagtatae, pagsusuka, pag-ubo, paninilaw, namumulang mga mata, pananakit ng kalamnan, lalo na ang ibabang bahagi ng likod, at pamamantal.

PNA