Tumanggap na ng ayuda ang mga katutubo sa Negros Occidental nitong Martes, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Paglilinaw ng DSWD, ang mga binigyan ng tulong sa pamamagitan ng cash-for-work program ng ahensya ay pawang benepisyaryo ng Modified Conditional Cash Transfer for Indigenous Peoples (MCCT-IP) sa ilalim ng proyektong Enhanced Support Services Intervention (ESSI).

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Isinagawa ang pamamahagi ng tulong-pinansyal sa Don Salvador Benedicto, Negros Occidental nitong Agosto 29.

Sinabi ng ahensya, natuloy din ang payout activity na napakinabangan ng 573 benepisyaryo, sa kabila ng masamang lagay ng panahon dahil sa bagyong Goring.

Idinagdag pa ng DSWD, tuloy-tuloy ang kanilang programa upang matulungan ang mahihirap sa bansa, lalo na sa kanayunan.