CALAMBA CITY, Laguna — Patay ang isang mag-aaral matapos masunog ang kanilang bagay nitong Lunes ng madaling araw, Agosto 28 sa Laguna Buenavista Executive Homes, Barangay Barandal sa lungsod na ito.

Kinilala ng Bureau of Fire Protection (BFP)-Calamba ang biktimang si Louie Antipuesto.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Sa pahayag ng isa sa mga kasambahay, natutulog umano sila sa ikalawag palapag kasama ang ina ng biktima at dalawang pinsan nang makarinig sila ng sigaw mula sa biktima na nasa kuwarto sa unang palapag bandang 5:30 ng umaga.

Nang buksan umano nila ang pinto ito ay balot ng makapal na usok mula sa ibaba. Nagmadali silang lumabas ng bahay ngunit naiwan ang biktima sa loob ng bahay.

Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng sunog.