Patuloy ang pagbanat ng social media personality at "motivational speaker" na si Rendon Labador sa coach ng koponang "Gilas Pilipinas" na si Coach Chot Reyes.

Dahil sa sunod-sunod na pagkatalo ng koponan sa FIBA Basketball World Cup, panawagan ni Rendon na magbitiw na lang sa kaniyang tungkulin si Coach Chot, na tinatawag niyang "Choke."

Birada ni Rendon sa kaniyang Facebook post, "Good morning, on the way to GILAS practice! Pagsasampalin ko lang ng katotohanan si Coach Choke para matauhan! Para sa Pilipinas."

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Bago nito ay nanawagan nga si Labador na mag-resign na lang si Reyes.

"MAAWA KA SA PILIPINAS 🙏🙏🙏 Kung may PUSO ka talaga para sa Pilipinas, eto na ang pag kakataon mong ipakita ito. RESIGN!!!!"

Bukod pa rito, sinabi rin ni Labador na mas bagay kay Reyes na maging "waterboy" na lamang.

"Gusto kong palitan ang coach! Hindi talaga tayo mananalo kapag tanga yung coach natin. Bilang boses ng bayan at isang Pilipino din, may karapatan akong mag desisyon kung ano ang ikabubuti nating lahat. Pahinga ka na coach, pwede ka naman taga abot ng tubig muna. Gusto din kasi namin makaranas ng panalo. Maraming salamat sa pag resign #stayMotivated," aniya.

Samantala, wala pang tugon si Coach Chot sa mga patutsada ni Rendon sa kaniya.