National

Northern Samar, niyanig ng magnitude 4.3 na lindol

Iniulat ng Department of Education (DepEd) na umaabot na sa mahigit 22.8 milyong estudyante ang nagpa-enroll para sa School Year 2023-2024.

Sa datos ng Learner Information System (LIS) Quick Count para sa SY 2023-2024 na inilabas ng DepEd nitong Linggo, nasa 22,381,555 na bilang ng mga nagparehistrong mag-aaral para sa darating na taong panuruan.

Pinakamaraming nakapagtalang estudyante sa Region IV-A na umabot sa 3,446,304; Region III na may 2,527,661 enrollees at National Capital Region (NCR) na may 2,468,170 enrollees.

Sinundan naman ito ng Region VI (1,703,055); Region VII (1,686,587); Region V (1,430,571); Region XI (1,159,193); Region X (1,052,230); Region I (1,016,659); Region VIII (995,343); Region XII (961,388); Region II (815,530); Region IX (769,064); Region IV-B (692,576); BARMM (680,932); CARAGA (627,269) at Cordillera Administrative Region (347,482).

Sa Philippine Schools Overseas ay nasa 1,541 naman ang naitalang enrollees.

Matatandaang ang enrollment period sa public schools para sa SY 2023-2024 ay sinimulan noong Agosto 7 at natapos na noong Sabado, Agosto 26, 2023.

Ang unang araw naman ng pasukan ay sa Martes, Agosto 29, 2023.