Inililikas na ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC) ang mga residente, malapit sa small water impounding project (SWIP) sa Barangay Cabuluan, Alcala, Cagayan matapos makitaan ng mga bitak ang lugar.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Nilinaw ng MDRRMO na lumambot ang lupa bunsod ng tuluy-tuloy na pag-ulan na dala ng Super Typhoon Goring na naging dahilan ng pagkakaroon ng mga bitak.

Nangangamba naman ang MDRRMO dahil sa posibleng pagguho ng SWIP anumang oras at maaapektuhan ang ilan lugar sa naturang bayan.

Hindi binanggit ng MDRRMO ang bilang ng mga inilikas na residente.