Ikinasal na ang Kapamilya actress na si Lovi Poe sa British boyfriend na si Monty Blencowe na ginanap sa London, United Kingdom nitong Agosto 26, 2023.

Ibinahagi ng TV personality na si Tim Yap ang video ng paglakad ni Lovi sa seremonya ng kasal.

“'I wanna savor this moment,' said @lovipoe as walked down the aisle to become Mrs. @montyblencowe #LoviGoesfullMonty," saad sa caption ni Yap sa Instagram post.

Makikita sa video ang paglalakad ni Lovi sa aisle, habang suot ang isang napakagarang trahe de boda.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nagpaabot naman ng pagbati ang kapwa celebrities na sina Yam Concepcion, ABS-CBN news anchor Karen Davila, Crista Bello, at Carla Abellana.

Hindi naman malinaw kung sino-sinong mga kasamahan sa industriya, bukod kay Tim Yap, ang imbitado sa nabanggit na kasalan.

Matatandaang pansamantalang umalis si Lovi sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo" para sa paghahanda ng kanilang kasal ni Monty.

Hindi pa malinaw kung makakabalik pa ba si Lovi sa nabanggit na serye, dahil may bulung-bulungang magkakaroon na raw ng bagong leading lady si Coco Martin, na siyang lead star at direktor nito.