National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Mahigit sa ₱13 milyong ayuda ang ipinamahagi ng National Housing Authority (NHA) sa mga nasunugan sa Navotas City kamakailan.

Sa Facebook post ng NHA, nasa 1,328 pamilya na biktima ng sunog ang tumanggap ng financial aid sa Navotas Sports Complex nitong Agosto 22.

Pinangunahan ni NHA-NCR North Sector manager Jovita Panopio ang pamamahagi ng tulong na sinaksihan ng mga opisyal ng lungsod.

Kabilang sa mga benepisyaryo ang mga residente ng Barangay North Bay Boulevard North, Bagong Bayan North, Tangos North, Tangos South, Navotas West, San Roque, Sipac Almacen, Bangkulasi, at Daanghari.

Tumanggap ng tig-₱10,000 cash assistance ang mga nasabing pamilya.

Isinagawa ang financial aid distribution alinsunod sa Emergency Housing Assistance Program ng ahensya.

Idinagdag pa ng NHA, ang magkakahiwalay na insidente ng sunog ay naganap sa pagitan ng Oktubre 2019 at Mayo 2023.