Iniutos na ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang pagpapaigting ng kampanya laban sa human trafficking sa bansa.

Layunin aniya nito na mapanatili ang Tier 1 ranking na ibinigay ng U.S. State Department sa Pilipinas.

Ayon sa Department of Justice (DOJ), partikular na inatasan ng Pangulo ang Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at iba pang ahensya ng gobyerno.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ang Tier 1 ay pinakamataas na pag-uuri ng US State Department kung saan nakasaad na nakasunod ang bansa sa minimum standards upang masolusyunan ang mga insidente human trafficking.

Paliwanag ni DOJ Assistant Secretary Mico Clavano sa isinagawang pulong balitaan sa Quezon City nitong Sabado, isa sa mga problema ng bansa ang human trafficking kaya ilalatag ito ng Pangulo sa nakatakdang pagdalo nito sa 43rd ASEAN Summit sa Jakarta, Indonesia sa Setyembre.

“Yes. We have given the President a situationer previously on the area of human trafficking and he understands very clearly the depth and how wide-spread this problem is,” ani Clavano.

Si Clavano ay kabilang sa miyembro ng IACAT ng DOJ.

“In fact, he has given specific instructions to maintain our Tier 1 ranking. That means he will support all the facets and all the programs that the IACAT has already put in place and he would like to enhance those programs,” dagdag pa ng opisyal.